Pages

Regine Velasquez recovers from A(H1N1) flu




MANILA, Philippines – Maging ang Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez ay hindi pala nakaligtas sa Influenza A(H1N1). Bagaman magaling na at ready na muling magtrabaho, hindi pa rin maisip ng singer-actress kung saan niya nakuha ang virus.

Ilang linggo ring nagpahinga at nag self-quarantine si Regine dahil sa A(H1N1). Katunayan, sa nakaraang episode ng Are You The Next Big Star?, pansamantalang humalili kay Regine bilang host si Richard Gomez.

"Masakit yung mga ganito-ganito," kuwento ni Regine habang itinuturo ang bahagi ng katawan.

"Kahit magpamasahe ka ‘di ba parang wala namang nagaganap, ganun, tapos ubo-ubo, nilagnat na, ganun," pahayag pa niya kay entertainment reporter Lhar Santiago sa 24 Oras ng GMA News nitong Huwebes.

Ayon pa sa singer-actress, nagpunta siya sa ospital para ipatingin ang sakit pero hindi na siya pina-confine ng kanyang duktor.

“Kasi sabi ng duktor no need [for confinement], just for me to rest in the house tapos self- quarantine na lang just in case H1N1. Sure enough it was. Yun inalagaan ko na lang ang sarili ko, inalagaan ako ni Ogie [Alcasid]," idinagdag ni Regine.

Dahil marami siyang bansa na pinuntahan para mag-show, hindi na raw malaman ni Regine kung saan niya nakuha ang virus na mabilis na kamakalat ngayon sa Pilipinas.

“I think what happen to me sumobrang baba immune system ko kasi sa kapupuytat, naging anemic pa ko kakatrabaho, kasi yung traveling ko noon tapos diretso taping tinamaan ako," paglalahad pa niya.

Ngayon, magaling na magaling na rin ang singer-actress at handa na muling sumabak sa mga trabaho. Kabilang sa kanyang pinaghahandaan ang nakatakdang concert niya sa Agosto na pinamagatang, Regine: Most Requested. - Fidel Jimenez, GMANews.TV


SOURCE: http://www.gmanews.tv/story/167046/Regine-Velasquez-recovers-from-A(H1N1)-flu

0 Response to "Regine Velasquez recovers from A(H1N1) flu"

Post a Comment