Pages

"Nightmare on Flood Street"


"toot! toot! tootoooot!"

"toot! toot! TOOTOOOOT!"

"TOOT! TOOT! TOOTOOOOT!!!"

“6:00 EY.EM. NA!!!” sabi ng cellphone ko. "Bangon na..." sabi naman ng nag-iinat ko pang misis. (May balak pa atang magpatangkad). Kape, mayo-bun plus noodles ang almusal…ngasab…ngasab…ngasab…After last bite, ubos ng noodles, then sip pa uli ng kape…SOLVE! BRAVO!

Namumungas pa din, kakaantok, sarap matulog. Bagsak-matang nilusob ang banyo….WALANG KIKILOS NG MASAMA! IYAY! Ang sama ng amoy ng banyo. Si muning-garzi nag-drop na naman ng “e-box” kaya sabog ang baho sa banyo. Walang ibang bomb squad member kundi ako. Mabilis na kumuha ng armas sa paghabol na baka madamay ang iba (PAPEL – pangdakma sa ebox, PLASTIC – pambalot ng ebox na dinakma sa papel, iwas paglaganap ng pagsabog, TABO - pangbuhos ng tubig sa naiwang bakas ng pulbura ng ebox). “5….4….3….2…!” (WHOOOSSSSSHHHH!) YEEEBBAAAHHH!!!

“Ano ginagawa mo?” Misis ko uli. Tumingin lang ako…”All clear ma’am! Bomb’s been defused! Hehe! Ligo na ’ko.”

“…mmm…mmmmm in the rain…. just singin in the rain…..” Ligo, bihis, ayos gamit, etc, etc! Psst! Psssst! Pssssssst! Konting pabango…..Wow! bango ko na! “Ok, ka na mahal? Let’s go!” .

“Mang, Pang, pasok na po kami!” paalam ko. Tulog pa pala papang ko, kapatid tsaka pamangkin ko. Tumango mamang ko. “Sige ingat, nagdala kayo ng payong?” Tumango din ako nagkumpirmang nagdala nga kami.

Sa labas ng bahay. “Barya? Tanong ni misis. “Meron na, ako na magbabayad.” Lakad….lakad….Tawid papunta sa maliit na park na may mga service vehicles byaheng Makati. “Dalawa po manong.” P100.00 inabot ko bago kami sumakay ng van. “Sukli po” sabi ni manong – P70.00. “Ha?” tumingin ako kay misis. “P15.00 isa? Hindi ba P35.00 bayad bawat isa?” Tumango na lang misis ko… “baka bumaba pamasahe, mahal!” sabi nya. “Ok pala!” sabi ko.


Tahimik, mga kasabay namin tulog. Ang bilis ng byahe, maluwag ang kalsada. Ilang minuto lang, mga 15 minutes nasa Makati na kami agad. “Hay! Sarap magwork pag ganito lagi ang umaga…“ usal ko sa isip pagtapos magdasal para sa maghapong kaligtasan sa labas ng bahay. Bumaba na ako para sumakay ng jeep papuntang Mantrade para sumakay uli ng isa pang jeep papuntang Paranaque…iwas biyahe ako mula Pasay-Rotonda, matrapik kasi mula ‘ron. Si misis naman tuloy sa Ayala ang baba mula sa service vehicle…. lakad uli diretso trabaho.

Nagtext si misis “Ofc nko mahal.” (7:45 EY. EM) Ngiti sa mga labi ang reply ko.

“Tak!” (7:55 EY. EM.) Hay! Salamat po at hindi ako late………

Zzzzzzzzzzzzooooooooooommmmmmmmmmmm………………. nagising ako.......
panaginip lang pala.......

Ice Cream


Kung ikaw ay isang ice cream, ano ka? Yum yum…..

May iba't ibang klase ang ice cream – sa flavor, kulay, label o
brand, presyo, lalagyan o kung pano at gano katagal pa ito inayos
bago mo makain.

Nasa panlasa ba o nasa paningin ang pagkakaiba? Pwede rin sigurong
nasa pananaw o karanasan.

Halimbawa:

1. "Yun po gusto ko kulay pink!" (di na inalam kung anong
flavor, brand, lalagyan, itsura o presyo)

2. "Yun po gusto ko Magnecta!" (di na inalam kung anong flavor,
kulay , lalagyan, itsura o presyo)

3. "Yun po ang sa akin, keso (di na inalam kung anong brand,
kulay , lalagyan, itsura o presyo)

4. "Yun po ang sa akin, naka-cone (di na inalam kung anong
brand, kulay o presyo)

Hindi ba pinaikot lang tyo ng apat na magagaling. Bakit hindi na
lang isa? Ah oo nga pala, may halu-halo flavor na, pero ang tao
hahanap padin ng wala dyan o ng pwedeng ikasira ng ulo nila -
lalagyan, presyo o brand… walang kuntento, walang katahimikan. Tsk!
Tsk! Tsk! sabi ng bayaw ko sa text (deaf sya pero na-eexpress nya
panghihinayang o inis sa isang bagay) ikaw man kita ko ngayon
napapailing dahil totoo to.
Sana mapuno ng free, peace flavor, rainbow bright colors o generic
pero may quality ang paraan ng pagtaguyod ng buhay ang isang tao.

"Mas simple, mas masaya!"

Ikaw? Kelan mo titikman o babalikang muli ang simpleng ice cream?

My Otobiography......09-24-08


"Ikaw nga wala nang iba ang tinutukoy kong isa sa mga nagbasa ng
titulo ng kalokohan kong ito." Siguradong taas-kilay o duda ka't
tinanong pa kunsensya mo kung BABASAHIN MO PA BA TO o ibabasura na
dahil mali ang spelling ng Otobiography. ... Pinoy ka nga.

Alam mo bang 98% (2% mongoloid) sa mga pinoy ay inaalihan ng espiritu
ni Critisismo? Hindi yan kapatid ni Crisostomo, Basilio o Crispin na
inaakala mo. Isa yan sa katangian ng pinoy sa ngayon na parang kulay
abong matsing na natuto lang bumaba sa puno ng saging, makapagsulat,
makabasa, makakain ng hindi lang saging, mabihisan ng magagandang
damit, makausap ng mga malalaking puting matsing at tumira sa
malalaking gusali e hindi na magkandaumayaw sa pagmamarunong at
pagpuna sa mali ng iba.... HINDI KA MATSING alam ko! pero yan ang
katulad ng mga may anyong tao pero maliit-makitid ang pagiisip
pagdating sa pakikitungo at hindi yung
pagmamalinis lang ng sarili.

Anu-ano ba ang mga senyales kung patungo ka na nga sa pagiging
MATSING?.... ....itutuloy

Senyales kung patungo ka na nga sa pagiging
MATSING..... ...ipinagpatuloy :

1. nakaupo ka sa work area mo, may dumaan sabi syo "ano yan?"
(tumutukoy sa monitor mo na may active yahoo messenger o facebook). sagot mo
lang - MALAKING NGITI SA MGA LABI =)

(explanation: matsing kasi nanlalamang sa kapwa instead of working
sa WORK area. inserted expalanation ---- MASAYA NAMAN dapat ituloy
lang kasi natatapos ko work ko, YUN NAMAN PALA) relaxed din kahit
pano. GRRRRRR! AKO TINUTUKOY DITO SA NUMBER ONE!

2. naglalakad ka na may MALAWAK na kalsada sa utak mo hanggang
napatigil ka dahil may lata sa ESKENITAng dinadaanan mo - kay
manong pala nanlilimos.

(explanation: malalim ka magisip, malawak at matayog ni hindi mo na
napapansin na may mas hikahos pa sayo na dapat ka ring tumulong para
ikaw naman ang tulungan ng mga mas mataas syo)

3. nasa bahay ka, almusal na rock-style ang ambiance mo. nagpunta sa
kusina para buksan ang mataas na cupboard ng mga delata (pwedeng
plastic ng SM na nakasabit sa tabi ni fulgoso para di makuha ng
magnanakaw), pagyuko mo may tuyo. Dahil yumuko ka nahulog si delata
at parang malaking helicopter ng corned beef ang dadagan syo sa
akting mo na pang-hollywood para lang maiwasan ang CDO na ga-2-inch
lang kung tutuusin.

(explanation: matutong mamaluktot habang maigsi ang kumot)

COMMERCIAL 073107

Ang misis ko may meeting ngayon. Kahapon din meeting. Hindi na
natapos. Tiyak yun kung online man sya isa lang nakadugtong sa YM
nya - OUT FROM KEYBOARD. Busy kasi parang tyo - ON KEYBOARD. Dapat
ako naman ka-meeting nya sa Fri, Sat & Sun, kaya lang ako naman habol
sa pgtapos ng AT, BL tsaka T.

Kanina habang ngpi-print-range ako bumabagsak na mata
ko........pinulot ko na.....kakaantok.