Pages

Ice Cream


Kung ikaw ay isang ice cream, ano ka? Yum yum…..

May iba't ibang klase ang ice cream – sa flavor, kulay, label o
brand, presyo, lalagyan o kung pano at gano katagal pa ito inayos
bago mo makain.

Nasa panlasa ba o nasa paningin ang pagkakaiba? Pwede rin sigurong
nasa pananaw o karanasan.

Halimbawa:

1. "Yun po gusto ko kulay pink!" (di na inalam kung anong
flavor, brand, lalagyan, itsura o presyo)

2. "Yun po gusto ko Magnecta!" (di na inalam kung anong flavor,
kulay , lalagyan, itsura o presyo)

3. "Yun po ang sa akin, keso (di na inalam kung anong brand,
kulay , lalagyan, itsura o presyo)

4. "Yun po ang sa akin, naka-cone (di na inalam kung anong
brand, kulay o presyo)

Hindi ba pinaikot lang tyo ng apat na magagaling. Bakit hindi na
lang isa? Ah oo nga pala, may halu-halo flavor na, pero ang tao
hahanap padin ng wala dyan o ng pwedeng ikasira ng ulo nila -
lalagyan, presyo o brand… walang kuntento, walang katahimikan. Tsk!
Tsk! Tsk! sabi ng bayaw ko sa text (deaf sya pero na-eexpress nya
panghihinayang o inis sa isang bagay) ikaw man kita ko ngayon
napapailing dahil totoo to.
Sana mapuno ng free, peace flavor, rainbow bright colors o generic
pero may quality ang paraan ng pagtaguyod ng buhay ang isang tao.

"Mas simple, mas masaya!"

Ikaw? Kelan mo titikman o babalikang muli ang simpleng ice cream?

0 Response to "Ice Cream"

Post a Comment