Pages

"Nightmare on Flood Street"


"toot! toot! tootoooot!"

"toot! toot! TOOTOOOOT!"

"TOOT! TOOT! TOOTOOOOT!!!"

“6:00 EY.EM. NA!!!” sabi ng cellphone ko. "Bangon na..." sabi naman ng nag-iinat ko pang misis. (May balak pa atang magpatangkad). Kape, mayo-bun plus noodles ang almusal…ngasab…ngasab…ngasab…After last bite, ubos ng noodles, then sip pa uli ng kape…SOLVE! BRAVO!

Namumungas pa din, kakaantok, sarap matulog. Bagsak-matang nilusob ang banyo….WALANG KIKILOS NG MASAMA! IYAY! Ang sama ng amoy ng banyo. Si muning-garzi nag-drop na naman ng “e-box” kaya sabog ang baho sa banyo. Walang ibang bomb squad member kundi ako. Mabilis na kumuha ng armas sa paghabol na baka madamay ang iba (PAPEL – pangdakma sa ebox, PLASTIC – pambalot ng ebox na dinakma sa papel, iwas paglaganap ng pagsabog, TABO - pangbuhos ng tubig sa naiwang bakas ng pulbura ng ebox). “5….4….3….2…!” (WHOOOSSSSSHHHH!) YEEEBBAAAHHH!!!

“Ano ginagawa mo?” Misis ko uli. Tumingin lang ako…”All clear ma’am! Bomb’s been defused! Hehe! Ligo na ’ko.”

“…mmm…mmmmm in the rain…. just singin in the rain…..” Ligo, bihis, ayos gamit, etc, etc! Psst! Psssst! Pssssssst! Konting pabango…..Wow! bango ko na! “Ok, ka na mahal? Let’s go!” .

“Mang, Pang, pasok na po kami!” paalam ko. Tulog pa pala papang ko, kapatid tsaka pamangkin ko. Tumango mamang ko. “Sige ingat, nagdala kayo ng payong?” Tumango din ako nagkumpirmang nagdala nga kami.

Sa labas ng bahay. “Barya? Tanong ni misis. “Meron na, ako na magbabayad.” Lakad….lakad….Tawid papunta sa maliit na park na may mga service vehicles byaheng Makati. “Dalawa po manong.” P100.00 inabot ko bago kami sumakay ng van. “Sukli po” sabi ni manong – P70.00. “Ha?” tumingin ako kay misis. “P15.00 isa? Hindi ba P35.00 bayad bawat isa?” Tumango na lang misis ko… “baka bumaba pamasahe, mahal!” sabi nya. “Ok pala!” sabi ko.


Tahimik, mga kasabay namin tulog. Ang bilis ng byahe, maluwag ang kalsada. Ilang minuto lang, mga 15 minutes nasa Makati na kami agad. “Hay! Sarap magwork pag ganito lagi ang umaga…“ usal ko sa isip pagtapos magdasal para sa maghapong kaligtasan sa labas ng bahay. Bumaba na ako para sumakay ng jeep papuntang Mantrade para sumakay uli ng isa pang jeep papuntang Paranaque…iwas biyahe ako mula Pasay-Rotonda, matrapik kasi mula ‘ron. Si misis naman tuloy sa Ayala ang baba mula sa service vehicle…. lakad uli diretso trabaho.

Nagtext si misis “Ofc nko mahal.” (7:45 EY. EM) Ngiti sa mga labi ang reply ko.

“Tak!” (7:55 EY. EM.) Hay! Salamat po at hindi ako late………

Zzzzzzzzzzzzooooooooooommmmmmmmmmmm………………. nagising ako.......
panaginip lang pala.......

1 Response to ""Nightmare on Flood Street""

  1. Dai Ning Li says:
    September 18, 2009 at 8:08 PM

    panaginip nga yan... di ka late eh! ;')

Post a Comment